Monday, October 24, 2011

BAKIT NGA BA TUWING ARAW LAMANG NG BIYERNES NILULUTO ANG MUNGGO?

Mayaman man o mahirap, ang guisadong munggo ay gusto ng lahat. Mula sa mga carinderia at sa tabing-kalye at sa mga vendor na kinakainan ng mga empleyado sa labas ng kanilang mga opisina. 

Noong ako ay bata pa at  hanggang ngayon, madalas kong napapansin doon sa paborito kung carinderia malapit sa amin ang tinda nilang ginisang munggo kapag araw ng Biyernes.  Ang carinderiang ito ang  madalas kong bilhan ng ulam para sa aking  hapunan pagkagaling ko sa eskwelahan.  Hanggang ngayon, linggu-linggo pa rin silang nagluluto ng munggo para itinda.   Kapag nagigipit ako minsan,  kahit di ko paborito ang ginisang munggo, bumibili ako para gawing ulam dahil ito ay mas mura kumpara sa ibang mga nakahain sa kanilang carinderia. 

Napuna ko na iba-iba ang kombinasyon ng sangkap at estilo sa paggawa nila nito.  Merong timplang masabaw o timpla namang tuyo.  Misan ay malunggay ang sahog, minsan naman ay talbos ng ampalaya.  Minsan ay may tinapa at chicharon, minsan naman ay may hibi o sariwang hipon.  Kapag bumibili ako ng ginisang munggo ang laging kapares nito ay pritong galunggong, pritong tinapa, , o di kaya  sapsap. 

Iba-iba ang tawag nila dito, depende kung saang lugar ka kumakain: Mongo soup with moringa (munggo na may malungay); Filipino mongo soup with chicharon; Cream of mongo soup; Green native munggo beans sautéed with onions and tomato with chili leaves and topped with tinapa bits and pork; Munggo na may bagnet, tinapa at talbos ng ampalaya. Nasa nagluluto kung anong style ang gusto niyang gawin. 

Ngunit alam nyo ba na ang ginisang munggo ay niluluto lamang tuwing araw ng Biyernes?  Merong mga canteen  sa mga kumpanya, eskwelahan, mga naglalako o bendor at maging  mga carinderia  tulad ng carinderia samin na nagluluto ng munggo tuwing araw lamang ng Biyernes.  Ito ay isang palaisipan para saken.  Anong misteryo’ng bumabalot kung bakit tuwing biyernes lamang ang munggo niluluto?   Ito ba ay mas masarap kainin kapag niluto sa araw ng biyernes.  Meron bang pamahiin tungkol dito.  O mas mura ang presyo ng munggo sa tuwing araw ng biyernes. 

Dito sa ating bansa ang pagluluto ng munggo tuwing biyernes ay isang tradisyon na namana natin mulang sa bansang India.  Ang tradisyong ito ay naipapasa sa salit-saling lahi buhat noong una pa. 

Bakit nga ba tuwing biyernes lang niluluto ang ginisang munggo?

May ilang sumagot at ganito ang kanilang teorya.

“Ang munggo ay malakas sa protina kaya hindi dapat ito ihain sa araw ng lunes, martes, miyerkules at huwebes lalo na sa mga may edad dahil mahirap magtrabaho ng may rayuma”. 

Sa dami ng teorya minabuti kong magsaliksik at ito ang aking natuklasan:

Ang ng pagluluto tuwing biyernes ay nagmula sa katolikong tradisyon na kapag mahal na araw lalo na good friday ay bawal na mag-ulam o kumain ng karne. Kaya noon, kapag biyernes santo ang madalas na nilulutong ulam ay munggo. Sa paglipas ng panahon, nakasanayan na ng mga pinoy ang ganitong gawain kaya kahit hindi good friday, munggo pa rin ang madalas na ihain. Yun nga lang, nakapagtataka lang na sa dinami-dami ng gulay, bakit munggo?

Eh paano kapag ang isang babae ay naglilihi at naghahanap nito at nagkataong Sabado pa lang...... so mga isang linggo siya magtitiis?
           
Para sa’yo, Bakit nga ba sa araw lamang ng biyernes niluluto ang munggo?


4 comments:

  1. Apat na taon na itong post na ito. Nagsasaliksik ako tungkol sa misteryong ito at ito nga't napadaan ako. Kanina kasi napag-usapan namin ito sa canteen ng aming kompanya. Tingin ko, credible naman ang teorya mo ngunit wala tayo magpagbasehan kung saan talaga nag-ugat ang nakasanayang pagluluto ng munggo tuwing Biyernes...

    ReplyDelete
  2. May teorya palang ganito,lol basta ang alam ko masarap at healthy ang munngo lalo na sa atay mo.sakit.info

    ReplyDelete
  3. CASINO REVIEW - JT Casino, Resort & Spa
    › CASINO › Review-casinos 아산 출장마사지 › CASINO › 전라남도 출장안마 Review-casinos Mar 21, 2019 — Mar 21, 2019 A look at the casino games and the 공주 출장샵 rooms and restaurants inside the casino. A 성남 출장안마 VIP 남원 출장마사지 look at JT Casino, Resort & Spa. Find the best offers for

    ReplyDelete